MANILA – Aminado si Pangulong Duterte na hindi niya kakayaning mag-isa na solusyunan ang problema ng ilegal na droga sa bansa.Bukod sa Kamara at Senado, gusto rin makipag-usap ng Pangulo sa Korte Suprema at sa Armed Forces of the Philippines para sa pagsugpo ng droga.Muling ipinakita ng Pangulo ang ikatlong narco-list na kinabibilangan ng libo-libong Barangay Captain, lokal na opisyal at mga pulis.Inulit din ng Pangulo na napasok na ang bansa ng narco politics dahil sa pagkakasangkot ng mga politiko sa ilegal na droga.Muli ring inupakan ng Pangulo ang Commission on Human Rights (CHR) at kritiko ng kanyang kampanya kontra droga.
Facebook Comments