Ba-biyahe papuntang South Korea si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Nobyembre.
Ito ay kahit pinayuhan siya ng doktor na bawasan ang trabaho at magpahinga dahil sa nararanasang muscle spasm matapos maaksidente sa pagmomotorsiklo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dadalo ang pangulo sa Association of Southeast Asian Nations-Republic Of Korea Commemorative Summit sa Busan na gaganapin sa November 25 hanggang 26.
Posible aniyang magkaroon ng bilateral meeting si Pangulong Duterte kay South Korean President Moon Jae-In.
Kabilang sa maaaring talakayin ng dalawa ay usapin tungkol sa kalakalan, seguridad at lahat ng common concerns ng dalawang bansa.
June 2018 nang huling bumisita ang pangulo sa South Korea.
Facebook Comments