May panibagong Talk to the People si Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi niya batid kung mai-eere ito mamayang gabi o bukas na ng umaga.
Ani Roque, depende kasi kung gaano katagal ang magiging magpupulong nila mamaya.
Kabilang sa mapag-uusapan sa pulong ay ang una nang sinabi ng pangulo na magpatupad ng re-calibration sa mga patakaran hinggil sa lockdown.
Sa ngayon kasi isinasapinal pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang nasabing patakaran.
Sa ilalim ng panukala, posibleng granular lockdowns na lamang ang ipatutupad sa mga lokal na pamahalaan kung saan may matutukoy na mataas na kaso ng COVID-19 kaysa na magsagawa ng malawakang lockdown.
Nabatid na ito na ang ikalawang ulat sa bayan ng pangulo ngayong linggo.