LJ Reyes, pumalag sa ilang isyu kaugnay sa hiwalayan nila ni Paolo Contis!

Nilinaw ng aktres na si LJ Reyes na hindi naging “mutual” ang breakup nila ng aktor na si Paolo Contis.

Sa interview ni Boy Abunda noong August 31 at na napanood sa YouTube kahapon, sinabi ni LJ na ramdam niya ang panlalamig ni Paolo sa kanilang relasyon sa mga huling buwan ng kanilang pagsasama.

Hindi naman direktang sinagot ng aktres ang tanong kung financial issue at third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan.


Naging consistent naman si LJ sa pagsasabing higit sa isyu ng pambabae ay mas concern siya sa kapakanan ng kaniyang mga anak.

Kasalukuyang nasa New York si LJ kasama ang kaniyang pamilya.

Una nang nagsalita sa siyu ang talent manager ni Paolo na si Lolit Solis kung saan itinanggi nitong may third party at sadyang na-outgrow o lumipas na ang pag-ibig ng dalawa.

Facebook Comments