BENEPISYARYO MULA SA DALAWANG BAYAN SA PANGASINAN, NAKATANGGAP NA NG KANILANG CASH CARD

Ipinamahagi at tinanggap ng mga benepisyaryo ng UCT-Listahanan ang kanilang UCT o Unconditional Cash Transfer cash card sa isinagawang magkahiwalay na Cash Card Distribution sa Basista, at Malasiqui, Pangasinan.

Laman ng nasabing cash card ng mga benepisyaryo ang kanilang 2020 cash grant na ito ay bahagi ng unang batch ng cash card distribution na tuloy-tuloy nang isinasagawa sa iba’t-ibang bayan at siyudad sa buong Region 1.

Sinuri at pinatunayan ng staff ng DSWD Field Office 1 ang dokumento ng mga benepisyaryo sa validation nito habang ipinamahagi ng staff ng Land Bank of the Philippines ang cash card na laman ang kanilang pinansyal na tulong.


Ang mga benepisyaryo ng UCT-Listahanan ay kabilang sa mga natukoy na mahihirap na sambahayan sa Listahanan 2 at lubos na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng Train Law.

Facebook Comments