Pangulong Duterte, pinag-iingat ang mga lugar na dadaanan ng Bagyong Siony

264

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat sa isa pang bagyong may potensyal na mag-iwan ng pinsala na papalapit sa bansa.

Ito ay matapos dumaan sa bansa ang Bagyong Rolly na itinuturing na isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas mula noong Bagyong Yolanda sa taong 2013.


Ang Bagyong Siony, na may international name na ‘Atsani’ ay patuloy na nagpapalakas sa Karagatang Pasipiko at inaaasahang magla-landfall sa bansa ngayong linggo.

Ayon kay Pangulong Duterte, maaaring magdulot ito ng pinsala ang bagong bagyo sa mga dadaanan nito lalo na sa mga kalsada at tulay.

Sa taya ng DOST-PAGASA, dalawa hanggang tatlong bagyo ang papasok sa bansa ngayong Nobyembre at isa hanggang dalawang bagyo sa Disyembre.

Facebook Comments