Pangulong Duterte, muling nakinig sa mga hinaing ng mga health worker

Muling nakinig sa hinaing ng mga health worker si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay makaraang payagan ng Pangulo ang mga health worker na makaalis ng bansa para makapagtrabaho sa abroad.

Kinakailangan lamang kumpleto ang dokumento ng mga ito tulad ng Overseas Employment Certificate na inisyu ng POEA at mayroong verified employment contract as of August 31, 2020.


Matatandaang sa huling Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution, ang mga health workers na mayroong kumpletong dokumento as of March 8, 2020 ang tanging pinayagang makalabas ng bansa at magtrabaho abroad.

Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na 1,500 nurses ang makikinabang sa partial lifting ng deployment ban sa mga medical health professionals.

Facebook Comments