Dalawang Pinoy seafarers na nakaligtas sa nawawalang barko sa Japan, naka-quarantine na sa hotel sa Metro Manila

47
COURTESY: PHILIPPINE COAST GUARD FB

Nakaquarantine na ngayon sa isang hotel sa Metro Manila ang dalawang nailigtas na Filipino crew members ng nawawalang Panamanian flagged vessel Gulf Livestock 1 sa Japan.

Sila ay nailigtas ng Japan Coast Guard matapos na agad na maglunsad ng search and rescue operation ang mga ito kung saan sila ay natagpuan sa East China Sea.

Kinumpirma naman ng Philippine Coast Guard na inalalayan nila ang dalawang Pinoy crew hanggang sa kanilang quarantine hotel.

Patuloy naman ang search operation ng Japan Coast Guard sa nawawalang barko bagama’t hanggang ngayon ay wala pang positibong development na nakikita ang Japan Coast Guard.

Mahigit tatlumpu pang Pinoy seafarers na sakay ng nawawalang barko ang patuloy na pinaghahanap mula pa noong September 2, 2020.

Patuloy naman na nakatutok sa search operation ang Philippine Embassy sa Tokyo gayundin ang Philippine Consulate General sa Osaka, at Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Osaka, Japan.

Facebook Comments