Manila, Philippines – Inisa-isa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga natalakay kasama ang heads of states at dialogue partners sa katatapos na ASEAN summit.
Sa isinagawang press conference kagabi, sinabi ng Pangulo – mahalaga nilang napag-usapan ang takot ng maraming bansa sa terorismo.
Ipinagmalaki rin ng Pangulo na nakumbinsi ang China na umupo at makipag-usap sa ASEAN countries para bumuo ng code of conduct sa West Philippine Sea.
Ikinuwento rin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-ungkat ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau tungkol sa isyu ng human rights at extrajudicial killings.
Aniya, nainsulto siya sa ginawang hakbang ni Trudeau.
Iginiit ng Pangulo – naiinis at napapamura siya kung may mga dayuhang nangingialam ng walang basehan sa problema ng bansa partikular sa war on drugs.