Pangulong Duterte, nananalanging hindi gagamit ng nuclear weapon ang Russia at Ukraine

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi gagamit ng nuclear device ang Russia o Ukraine sa nagpapatuloy nilang giyera.

Kasunod nito aminado si Pangulong Duterte na mahirap ang sitwasyon ngayon ng dalawang naglalabanang bansa.

Kung siya aniya ang tatanungin, ay wala siyang pakialam kung magpatayan man ang mga ito, huwag lamang gumamit ng nuclear device.


Ayon sa pangulo, talo ang lahat at damay maging ang Pilipinas kapag nuclear weapon na ang pinagana.

Una nang sinabi ng Palasyo ng Malacañang na kaisa ang Pilipinas sa panalangin ng buong mundo na mareresolba sa mapayapang pamamaraan ang tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Umasa aniya ang Punong Ehekutibo na maaayos din ang gusot sa pagitan ng Russia at Ukraine sa lalong madaling panahon at hindi na mauwi pa sa mas malaking destruction ang sitwasyon.

Facebook Comments