Pangulong Duterte, naniniwalang patay na ang mga nawawalang sabungero

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na patay na ang mga sabungero na unang napaulat na nawawala.

Sa kaniyang talumpati kahapon, sinabi ng Pangulo na hindi dapat sa e-sabong isisi ang pangyayari kundi sa mga ‘masasamang tao’ na gumawa nito.

Muli ring iginiit ng Pangulong Duterte na bilyun-bilyong piso ang kinikita ng gobyerno sa online sabong kung kaya’t hindi pwedeng itigil ang kanilang operasyon.


Una nang sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na umabot sa halos P-4 billion ang kinita ng gobyerno mula Abril hanggang Disyembre noong nakaraang taon habang nasa higit P-7 billion naman ang inaasahang kikitain ngayong 2022.

Samantala, sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkawala ng higit 30 sabungero at sasampahan na ngayon ng kaso ang walong suspek ayon sa CIDG.

Facebook Comments