Pangulong Duterte, nilinaw na hindi siya nakikialam kaninoman para ipilit ang kanyang interes

17

Manila, Philippines – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya nakikialam o tumatawag kaninoman para ipilit ang kanyang interes.

 

Patunay dito aniya ang pagsalang ni dating Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay sa Commission on Appointments.

 

Matatandaang na-reject si Yasay ng C-A dahil sa kanyang pagsisinungaling sa kanyang American citizenship.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, ipauubaya rin niya ang pagsalang ni Environment Sec. Gina Lopez sa proseso ng batas at wala siyang tinawagang senador o kongresista para siya palusutin.

 

Kaya anuman ang desisyon ng kongreso ay igagalang niya at anuman ang sarili niyang desisyon ay kanya at paninindigan.

Facebook Comments