Mga dayuhang turista, nagsimula nang dumagsa sa bansa sa unang araw ng pagpapatuad ng no quarantine protocol

Nagsimula nang dumagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga dayuhang turista sa unang araw ng pagpapatupad ng no-facility based quarantine sa mga fully vaccinated na foreign travelers.

Partikular ang mga biyahero mula sa 157 na mga bansa na kasama sa listahan sa ilalim ng executive order.

Pinakamarami sa mga dumadating ngayon sa NAIA ay mga Chinese at Taiwanese nationals.


Kabilang din sa mga inaasahang dadagsa sa bansa sa mga susunod na araw ang travelers mula sa Canada, Japan, Singapore, USA, New Zealand, Malaysia, at South Korea.

Facebook Comments