Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na idemand sa Maynilad at sa Manila Water na maglabas ng tubig mula sa Angat Dam.
Ito ang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa harap narin ng ilang araw na nararanasang kawalan ng supply ng tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat tumagal ng 150 araw ang ilalabas na tubig mula sa Angat Dam upang mapunan ang pangangailangan ng publiko.
Sinabi naman ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na batid ni Pangulong Duterte ang hirap na dinaranas ng mga residente ng nga apektadong lugar.
Nagbabala din naman si Pangulong Duterte na kung mabibigo na sundin ang kanyang utos ay siya mismo ang kakalampag sa opisina ng mga ito upang panagutin ang mga iresponsableng opisyal.