Pangulong Duterte, pinagbantaang kakasuhan si Del Rosario

Pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasuhan si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Nabatid na isinisisi ng pangulo kay Del Rosario kung bakit na nakuha ng China ang kontrol sa Scarborough o Panatag Shoal noong 2012.

Sa kanyang Talk to the Nation, sinabi ng pangulo na hahabulin niya si Del Rosario dahil guilty siya ng treason o pagtataksil sa bayan.


Pagbabanta ni Pangulong Duterte na marami siyang ihahabla kay Del Rosario.

Kinuwestyon din niya ang citizenship ni Del Rosario, dahil hindi siya mukhang Pilipino.

Iginiit ni Pangulong Duterte na malabong mabili ang 16 na milyong boto na nagpanalo sa kanya.

Hindi pa rito natatapos ang banat ng pangulo, kapag nakita niya sa isang coffee shop si Del Rosario ay tatapunan niya ito ng kape sa mukha.

Facebook Comments