Pangulong Duterte, pinawi ang pangamba ng publiko kung sino ang papalit sa kanya sa pwesto

Manila, Philippines – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sundin ang konstitusyon ukol sa sinuman dapat ang papalit sa kanya sa pwesto.

Ito’y matapos ipahayag ng abogadong si Ely Pamatong na siya na ang mauupong presidente ng Pilipinas.

Ayon sa pangulo, walang dapat ikabahala ang publiko dahil nakasaad pa rin sa konstitusyon na ang bise presidente ang hahalili kapag may nangyaring masama sa isang presidente.


Aniya, Vice President Leni Robredo ang dapat niyang maging kahalili.

Facebook Comments