Pangulong Duterte pinayuhan ng mga doktor na magpahinga ng tatlong araw

 

Matapos magpasuri sa kanyang neurologist, pinayuhan si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang doktor na magpahinga ng 2 hanggang 3 araw.

 

Sa pahayag ng Malakanyang muscle spasm ang dahilan ng pananakit ng gulugod ng presidente matapos maaksidente sa motor nuong isang lingo.

 

Di naman anila naipitan ng ugat ang presidente at niresetahan lang ng gamot para sa muscle spasm at pinayuhang magpahinga.


 

Kasabay nito pinawi ng Palasyo ang pangamba ng publiko at tiniyak na nasa maayos na kundisyon si Pangulong Duterte.

 

Matatandaang napaaga ang uwi ng Pangulo mula sa Japan dahil na rin sa sakit na nararamdaman nito sa gulugod malapit sa balakang na kanyang nakuha matapos maaksidente sa motor.

Facebook Comments