Pangulong Duterte, pinayuhan ng mga taga oposisyon sa pagbaba ng satisfaction ratings

Manila, Philippines – Magsilbi na umanong wake-up call para sa Pangulo ang pagbaba ng net satisfaction rating nito mula sa`very good` ay`good` na lamang.

Sa latest SWS Survey na ginawa nitong buwan ng Setyembre (23-27), mula sa +66% noong Hunyo ay bumaba sa +48% na lamang ang satisfaction rating ni Pagulong Rodrigo Duterte.

Pinayuhan ni opposition Congressman Caloocan Rep. Edgar Erice ang Pangulo na panahon na para makinig din sa mga kritiko nito partikular na sa war on drugs campaign ng gobyerno.


Ayon kay Erice, nagiging sanhi na ng kahihiyan ang kampanya kontra iligal na droga hindi lamang sa bansa kundi sa ibang bahagi ng mundo.

Nagbabadya na rin anya ang pagpalya ng kampanya laban sa droga dahil ilag bansa na ang gumawa ng hakbang katulad sa Pangulo pero hindi nasolusyunan ang malalang problema sa illegal drugs.

Nagpayo din si Ifugao Rep. Teddy Baguilat na tipunin ng Pangulo ang kanyang political capital para ayusin na ang takbo ng kanyang pamahalaan.

Patunay aniya ng resulta ng survey na nakikita ng publiko ang problema sa mga patayan na malaki na ang nagiging epekto sa bansa at hindi pagbibigay pansin ng gobyerno sa ekonomiya.

Facebook Comments