Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquiao na mag-aral muna bago punahin ang foreign policies ng pamahalaan.
Sa interview ni Pastor Apollo Quiboloy, nilinaw ni Pangulong Duterte na may mababaw lamang na kaalaman si Pacquiao sa mga pambansang isyu.
Iginiit ni Pangulong Duterte na “neutral” ang kanyang foreign policy at wala siyang pinapanigang bansa.
Paglilinaw rin ni Pangulong Duterte na “no strings attached” sa mga tulong na ipinapadala ng Russia.
Matatandaang naghayag ng pagkabahala si Pacquiao sa tila kawalan ng aksyon ng pamahalaan sa ilang mahahalagang isyu tulad ng power interruptions sa Luzon at panghihimasok ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Facebook Comments