Pagbubukas muli ng mga gym at museo, isinusulong ng DTI

37

Inirerekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbubukas muli ng indoor establishments tulad ng gyms at museums.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nakiusap sila sa technical working group na ikonsidera ang proposal.


Nais nilang buksan na ang ilang indoor activities sa mababang operating capacity.

Suhestyon ng DTI ay 20-percent operating capacity sa NCR plus at iba pang lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ).

Ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay nakatakdang magpulong para pag-usapan ito.

Facebook Comments