Pangulong Duterte: Pope Francis, ‘nagalit’, ‘tinanggal’ si Tagle dahil ‘nakikalam sa pulitika’

FILE PHOTO FROM PCOO

Nagalit umano si Pope Francis kay Cardinal Luis Antonio Angle dahil daw sa pamumulitika nito, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, ito raw ang dahilan kung bakit tinanggal si Tagle bilang arsobispo ng Maynila.

“Tingnan mo, gamit nila ang pera kinontribute nila doon sa yellow-yellow. Tingnan mo ang nangyari, wala tayong bishop ngayon. Di mo ba alam? Tinanggal… Nagalit si Pope kasi nakialam sa pulitika. Iyan ang totoo diyan,” pahayag ni Duterte sa idinaos na 2020 General Assembly of the League of Municipalities.


“Kaya binigay sa atin officer-in-charge na lang… He was investigated, open secret ‘yan.”

Iginiit din ng Presidente na alam niya ang nagaganap sa loob ng simbahan bunsod ng “pakikinig sa lahat”.

Lumipad patungong Rome si Cardinal Tagle noong Pebrero matapos maitalaga bilang prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, isang top post sa Vatican.

Wala pang inaanunsyo na kapalit ang Simbahang Katolika tungkol sa posisyong naiwan ng arsobispo.

Sa ngayon, si Bishop Broderick Pabillo ang nagsisilbing apostolic administrator ng Archdiocese of Manila.

 

Facebook Comments