Pangulong Rodrigo Duterte, ipinagmalaki ang pagpapahalaga sa mga kababaihan

Manila, Philippines – Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang
pagpapahalaga sa mga kababaihan.

Sa pagdiriwang ng “Digong’s Day For Women”, iginiit ni Duterte na malaki
ang kanyang respeto sa kababaihan at sadyang mapagbiro lamang siya na
madalas hindi nauunawaan ng iba.

Noong alkalde aniya siya ng Davao City, walang bikini contest.


Idinaan din sa biro ng Pangulo ang pagbabagong-buhay niya mula sa pambabae.

Hinikayat din ng Pangulo ang mga kababaihan para magpursige at itaguyod ang
kanilang kagalingan para sa hangaring pagbabago sa lipunan.

Facebook Comments