Pangulong Duterte, wala pa ding pinangalanang permanenteng kalihim ng DFA at DILG

Manila, Philippines – Inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, wala pa ring pinapangalanan si Pangulong Duterte para maging permanenteng kalihim ng DFA at DILG.

Bunsod nito, mananatili pa rin bilang Officer-In-Charge ng Department of Foreign Affairs si Acting Secretary Enrique Manalo at si Undersecretary Catalino Cuy sa DILG.

Nauna nang itinalaga si Usec. Manalo bilang acting secretary ng DFA kasunod ng pagbasura ng Commission on Appointments sa pagkakatalaga ni Atty. Perfecto Yasay at pagkakasibak bilang DILG Secretary Kay Ismael Sueno.


Nauna rito, maugong ang pangalan nina Senator Alan Peter Cayetano at Senator Bongbong Marcos na itatalaga ni Pangulong Duterte sa kanyang Gabinete pagkatapos ng appointment ban sa Hunyo.

Sinasabing napipisil ng Pangulo si Cayetano sa DFA portfolio habang sa DILG naman daw si Marcos.

Sina Marcos at Cayetano ay kapwa tumakbo sa pagka-Bise Presidente noong nakaraang eleksyon at natalo kay Vice President Leni Robredo.
Nation

Facebook Comments