Pangulong Duterte, walang sinisisi sa pagkaantala ng pagdating ng mga bakuna

Wala raw sinisisi si Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring delay sa pagdating ng bakuna sa bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, naiintidihan ng pangulo na ang bansa ay tatanggap lamang ng mga bakuna.

Paliwanag ni Nograles, ginagawa na ng pamahalaan ang lahat para tugunan ang mga kakailanganing dokumento ng mga manufacturers ng COVID-19 vaccines.


Sa huli, aniya, obligasyon pa rin ng mga ito na i-ship ang mga bakuna sa napagkasunduang oras at petsa.

Matatandaang naantala ang pagdating ng halos 117,000 COVID-19 doses sa bansa mula sa kompanyang Pfizer sa pamamagitan ng COVAX Facility dahil sa kakulangan ng bansa sa indemnification deal.

Facebook Comments