Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagpaliwanag sa mga batikos na umano’y maraming delegation at magastos ang biyahe sa Davos, Switzerland

May mga mahalagang ginampanan ang mga isinama opisyal at indibidwal sa Davos, Switzerland para sa World Economic Forum (WEF).

Ito ang paliwanag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Kapihan with the media sa Switzerland kaugnay sa mga batikos na masyadong marami ang bitbit nitong delegasyon at magastos.

Aniya, sa dalawang araw na pagdalo sa mga pagpupulong sa World Economic Forum (WEF) ay 100 mga chief executive officers ng mga bigateng business companies ay kailangang kausapin.


Kaya importante aniya dito ang mga pinasama niyang mga cabinet secretaries para tulungan siyang makipag-usap sa mga CEO para sa mga future investment sa Pilipinas.

Patungkol naman aniya sa pagsama kay House Speaker Martin Romualdez at Senator Mark Villar.

Sinabi ni PBBM ay mahalaga ang kanilang role sa biyahe dahil may mga potential investors na nagtatanong patungkol sa batas sa Pilipinas para mapabilis ang proseso sa paglagak ng negosyo sa Pilipinas.

Naging mahalaga rin daw ang naging role ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa biyahe sa Switzerland.

Inamin naman ng pangulo na marami ang kaniyang delegasyon sa WEF, pero kalahati dito ay mula sa private companies na gumastos nang sarili para makadalo world economic meeting.

Sa huli ay ipinunto ni Pangulong Bongbong Marcos na maraming naging accomplishment ang kaniyang partisipasyon sa Switzerland partikular ang pagpapakilala sa Pilipinas sa mga investor upang mag-negosyo sa Pilipinas.

Facebook Comments