Hindi papayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na manaig ang anumang destabilization plot o anumang tangkang pagpapabagsak sa pamahalaan.
Sa Talk to the Troops sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro City, sinabi ng pangulo na hindi nito hahayaan ang sinuman na lumikha ng pagkakawatak-watak ng bansa.
Wala rin aniyang puwang ang distabilisasyon sa bansa dahil nakatutok an pamahalaan sa pagpapaunlad ng ekonomiya at paglaban sa insurgency.
Bilang commander-in-chief nanawagan din ito sa 4th Infantry Division ng Philippine Army, na patuloy na magpakita ng katapatan, pagkamakabayan at pagsilbihan ang bansa.
Bilihin din nito sa tropa na panatilihin ang momentum ng kanilang mga operasyon hanggang sa lubusang mawala ang impluwensya ng mga terorista.