Umalis ng bansa ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para dumalo sa 77th United Nations (UN) Assembly na gaganapin sa United States.
Kabilang sa mga tatalakayin ng pangulo ang mga isyu hinggil sa climate change, rule of law, food security, maging ang papel na gagampanan ng Pilipinas sa pagpapatibay ng sistemang pang internasyunal.
Mahigit 150 na pinuno ng bansa ang magtitipon sa nasabing pulong na tatalakay sa mga pandaigdigang isyu.
Samantala, magkakaroon din ng state visit ang pangulo sa New York City para maghatid ng mensahe sa ilang mga economic briefing.
Ito ang ikatlong opisyal na paglalakbay sa ibang bansa ni Marcos mula nang maupo sa pagkapangulo noong Hunyo.
Facebook Comments