NASA 60 LIBONG PISO NA HALAGA NG NARRA, NAREKOBER

20
Cauayan City, Isabela- Narekober ng Balbalan Municipal Police Station at CENRO Pinukpuk ang nasa P60,000 na halaga ng abandonadong narra sa Sitio Umbali, Barangay Buaya, Balbalan, Kalinga nitong ika-16 ng Setyembre taong 2022.

Ang narra na inabandona mula sa mga tambak ng scrap wood ay natagpuan ng mga rumespondeng awtoridad na agad namang dinala sa CENRO Pinukpuk, Kalinga.

May kabuuang 130 board feet ang narekober na narra flitches at may sukat na 4-in x 39-in x 10-ft.

Ang Narra ay isang critically endangered species, at ang pagkolekta at pangangalakal nito ay ipinagbabawal sa ilalim ng DENR Administrative Order 2007-01 na pinamagatang “Establishing the List of Threatened Philippine National Plants and their Categories, and the List of other Wildlife Species”, maliban na lamang kung ito ay sakop ng isang permit mula sa DENR.

Facebook Comments