Manila, Philippines – Muling nagkasabay at nagkatabi sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa pagdalo sa 38th Philippine National Police Academy (PNPA) commencement exercises sa Camp Castañada sa Silang, Cavite.
Nagsilbing mga panauhin sina Duterte at Robredo sa pagtatapos ng 144 na miyembro ng Masidlak class of 2017 o “mandirigmang ahon sa silangan ipaglalaban ang bansang may dangal, layunin, at katarungan.”
Naunang dumating sa seremonya si Robredo at nang dumating na ang pangulo ay nagkamayan ang dalawa at sandaling nag-usap.
Mauupo sana sa gitna nina Duterte at Robredo si Dilg Sec, Mike Sueno, pero pinaalis ito ng pangulo at pinatabi sa kanya ang Bise Presidente.
Ang pangulo ang nagbigay ng Presidential Kampilan sa class topnotcher na si Cadet Macdum Enca ng Cotabato City habang si Robredo naman ang nagkaloob ng Vice Presidential Kampilan kay Cadet Midzfar Hamis Omar ng Tawi-Tawi na second highest sa kanilang klase.
Mula nang huling magkita sina Duterte at Robredo ay nasampahan na ng impeachment complaint sa Kongreso ang pangulo samantalang inihahanda naman ang isa pang impeachment complaint laban kay Robredo.
Photo Courtesy: RTVM
Facebook Comments