“It’s not my time…”
Ito naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa alok ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maging anti-drug czar ng bansa.
Kinumpirma ito ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo matapos niyang makausap at tanungin si Pangulong Duterte kaugnay nito.
Ayon kay Panelo, hindi interesado ang pangulo na maging anti-drug czar sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Dagdag pa ni Panelo, ibig sabihin ni Pangulong Duterte na tapos na ang kaniyang panahon at para sa Marcos administration na ito.
Una na ring sinabi ni President-elect Marcos na bago pa man ang eleksyon ay nakapag-usap na sila ni Pangulong Duterte at hiniling sa kaniya ng pangulo na sana ipagpatuloy lamang ang war on drug campaign sa paraang gusto ng bagong administrasyon.
Matatandaan na sinabi ni Marcos na bukas siya sa kahit sinuman na handang tulungan ang kaniyang administrasyon kabilang na ang alok sa pangulo na maging anti-drug czar.