Pangulong Rodrigo Duterte, iginiit na matinding tinamaan ng ilegal na droga ang Bacolod City kaya itinalaga doon si Police Lt. Jovie Espenido

1656
Presidential Photo

Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit itinalaga niya sa Bacolod City si Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido.

Si Espenido ay naka-assign bilang Deputy Director for Operations sa Bacolod City Police Office at na-promote mula sa Major patungong Lieutenant Colonel.


Ayon kay Pangulong Duterte, matinding tinamaan ng ilegal na droga ang Bacolod City kaya niya inilipat ng assignment si Espenido.

Si Espenido ay dating Police Chief sa Albuera, Leyte kung saan namatay sa madugong Police Search Operation si dating Mayor Rolando Espinosa Sr. sa jail facility sa baybay city noong November 2016.

Nitong 2017, inilipat si Espenido sa Ozamiz City kung saan si dating Mayor Reynaldo Parojinog at 15 iba pa ang namatay sa serye ng drug raids.

Facebook Comments

From Advertisers