Manila, Philippines – Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na alam niyang tumutulong ang US troops sa militar sa pakikipagsagupaan sa Maute terror group sa Marawi City.
Sa pagdalaw ng pangulo sa mga sugatang sundalo sa Cagayan de Oro, sinabi niyang kailanman ay hindi siya lumapit sa amerika para humingi ng tulong.
Nalaman na lang aniya nito ang pagbibigay ng tulong ng US sa Pilipinas nang dumating na ang mga ito sa bansa.
Gayunman, nagpasalamat pa rin ang pangulo sa tulong ng Amerika.
Kasabay nito, nilinaw ni Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command Commander Lt. General Carlito Galvez, na tanging techinical support lang ang ibinigay ng US troops para labanan ang Maute Group.
Aniya, hindi nakipagbakbakan ang mga Amerikanong sundalo troops sa Marawi.
DZXL558