Pangulong Rodrigo Duterte, kinilala ang sakripisyo ng mga frontliner ngayong Araw ng Kagitingan; VP Leni Robredo, nanawagan sa publiko na magkaisa ngayong pandemya

Pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng frontliners ngayong Araw ng Kagitingan.

Sa kaniyang mensahe, inilarawan ni Duterte bilang selfless at dedicated ang mga ito sa patuloy nilang pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Pangulo, ang kabayanihan ng mga frontliners ay sumasalamin sa kabayanihan ng ating mga kababayang nakipaglaban sa Bataan na siyang inspirasyon ng maraming Pilipino na magkaisa ngayong panahon ng krisis.


Binigyang pagkilala rin ni Duterte ang mga yumaong sundalo na siyang dahilan ng kalayaang natatamasa ng bansa.

Samantala, nanawagan si Vice President Leni Robredo sa publiko na magkaisa sa patuloy na paglaban sa COVID-19.

Ani Robredo, ang pandemyang ating nararanasan ay katulad ng kadiliman na naranasan noon sa bataan.

Pagdidiin ni Robredo, kailangan nating magtulungan dahil walang Pilipinong kailangang maging magiting mag-isa.

Facebook Comments