Dingdong Dantes, aminadong pangtanggal-pagod ang asawang si Marian Rivera

94

Inamin ng aktor na si Dingdong Dantes na ang kaniyang asawa na si Marian Rivera ang kaniyang pangtanggal-pagod.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Dingdong ang litrato ng simple home date nila ni Marian hawak ang kaniya-kaniyang baso ng wine.


Kalakip nito ang sweet caption na “Kahit gaano ako ka-busy sa work-from-home setup na ito, basta’t kasama kita sa oras na alas singko, tanggal ang pagod ko.”

Bagama’t busy sa trabaho at pag-aalaga ng dalawang cute na chikiting ay tiniyak ng dalawa na gumagawa sila ng paraan para maglaan ng oras sa isa’t isa.

Facebook Comments