Manila, Philippines – Muling nakatanggap ng pambabatikos si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang editorial na inilathala sa New York Times.
Sa editorial na pinamagatang “Let The World Condemn Duterte”, inilarawan ang Pangulo na “a man who must be stopped.”
Hinikayat din nito ang International Criminal Court na agad magsagawa ng imbestigasyon sa inihaing reklamo ni Atty. Jude Sabio laban kay Duterte at sa 11 iba pang opisyal kaugnay sa mga kasong ‘crime against humanity’ at ‘mass murder’ na may kinalaman sa extra judicial killings.
Nakasaad din sa editoryal ang findings ng human rights watch, amnesty international at mga pahayag nina confessed DDS members Edgar Matobato at Arturo Lascañas na umano’y sapat na ebidensya para imbestigahan ang Pangulo.
DZXL558