MANILA – Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga programa at reporma ng kanyang administrasyon sa ginanap na tradisyunan na Vin D’ Honneur ngayong araw.Sa kanyang talumpati sa Rizal hall sa Malacañang – muling binigyan diin ni Pangulong Duterte ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga at katiwalian sa gobyerno.Tiniyak ng pangulo na hahabulin ang mga tiwali sa pamahalaan at tutuldukan ang problema sa iligal na droga sa bansaBukod rito, ipinagmalaki rin nito ang mga reporma sa pagpapaganda ng ekonomiya ng Pilipinas, pagpapatatag ng infrastructure project at social services para sa mga pilipinoMas pai-igtingin din aniya ang relasyon ng Pilipinas sa ibat ibang bansa.Kasabay naman ng paparating na ASEAN summit sa bansa, nanawagan ang pangulo sa mga leaders na magtulungan para sa ika-uulan ng lahat sa rehiyon.Ang tradisyunal na Vin D’ Honneur ay isang salu-salo para ipagdiwang ang bagong taon na dinadaluhan ng matataas na opisyal ng gobyerno, mga diplomat at mga bigating negosyante.
Pangulong Rodrigo Duterte, Muling Binigyan Diin Ang Pinaigting Na Kampanya Kontra Iligal Na Droga At Korapsyon Sa Tradis
Facebook Comments