Pangulong Rodrigo Duterte, nababahala na rin sa mataas na singil sa kuryente at tubig

Ikinabahala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga reklamo ng publiko sa mataas na bayarin sa kuryente at tubig.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinag-utos na ni Pangulong Duterte sa Energy Regulatory Commission ang pag-imbestiga sa nasabing pagtaas na dagdag na pahirap sa taumbayan ngayon may pandemya.

Nabatid na nagpalabas na ng show cause order ang ERC sa Meralco upang pagpaliwanagin sa masyadong mahal na bayarin sa kuryente.


Samantala, sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System Chief Patrick Lester Ty na dahil sa mataas na konsumo ng tubig nitong lockdown at naipon bill mula Marso hanggang Hunyo, kaya mataas ang bill na natanggap ng mga consumers ng Maynilad at Manila Water.

Pero pagtitiyak ni Ty, protektado ang interest ng publiko hinggil sa pagtaas ng singil sa tubig.

Sa kabila nito, sinabi ni Ty na hindi nila maaaring ilibre ang isang buwan bill sa tubig nitong may lockdown dahil sa production cost.

Facebook Comments