MANILA – Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng law enforcer units na huwag na huwag masasangkot sa kriminalidad at iligal na droga.Sa kanyang talumpati sa 80th Founding Anniversary ng National Bureau of Investigation – sinabi ng Pangulo na walang dapat ipag-alala ang mga law enforcers basta’t gawin lang nang tama ang kanilang tungkulin.Ayon pa kay Duterte, paniniwalaan niya ang anumang istorya ng mga ito at aakuin ang buong responsibilidad.Bukod sa giyera kontra droga, pinatututukan rin ng Pangulo ang paglaban sa terorismo.Aniya, matindi na ang rebelyon sa Mindanao at ang mga nagaganap na kaso ng pagdukot ay ang siyang nagdadala sa bansa sa kahihiyan.
Facebook Comments