Pangulong Rodrigo Duterte, nagbantang magdedeklara ng “Revolutionary War” at ipaaaresto ang mga lumalaban sa Pamahalaan

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara siya ng “Revolutionary War”.

Sa kanyang talumpati sa Puerto Princesa City, Palawan kagabi – banta ng Pangulo, kapag sinagad siya ay ipapa-aresto niya ang kanyang mga kritiko lalo na ang mga rebelde, kriminal at mga durugista.

Binanatan din ng Pangulo si Senador Franklin Drilon matapos payuhan ang gobyerno na mag-ingat sa pag-review ng lahat ng kontrata at loan agreements na pinasok ng bansa.


Pareho naman aniya silang dumaan sa Department Of Justice pero hindi niya maunawaan kung bakit kailangan niyang mag-ingat.

Nilinaw ng Pangulo na ang kanyang banta ay magsilbing paalala na huwag siyang pwersahin ng todo.

 

Facebook Comments