Manila, Philippines – Balik bansa na si Pangulong Rodrigto Duterte matapos ang kaniyang state visit sa Myanmar at Thailand.
Sa kaniyang arrival speech, ipinagmalaki ng Pangulong Duterte ang napagkasunduan nila ni Myanmar President Htin Kyaw gaya ng Memorandum of Understanding on Food Security and Agricultural Cooperation.
Ibinahagi ng Pangulong Duterte ang mga nakapagkasunduan nila ni Thailand Prime Minister Prayut Chan-O-Cha kabilang ang pagpapaunlad ng siyensya, turismo at pagpapalawig ng trade and investment.
Maliban rito, napag-usapan rin ng dalawang lider ang pagpapaigting ng kooperasyon sa mga anti-drug intelligence agencies ng kapwa estado tulad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Thailand Office of Narcotics Control Board (ONCB).
Facebook Comments