Pangulong Rodrigo Duterte, nakatakdang bumiyahe sa Russia sa susunod na Linggo

Manila, Philippines – Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia sa darating na May 22 hanggang 26.

Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Assistant Secretary Cleofe Natividad, kung saan layon ng biyahe ng Pangulo na mapaigting ang ugnayan ng dalawang bansa at magsilbing hudyat para sa bagong partnership sa pagitan ng mga non-traditional partners katulad ng Russia.

Ayon kay Natividad – bibisita ang Pangulo sa mga lungsod ng Moscow at St. Petersburg.


Magkakaroon din ng bilateral meetings si Duterte kay Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medvedev sa Mayo 24 at Mayo 25.

Maliban rito, haharap rin aniya ang Pangulo sa Filipino community.

Ito na ang ikatlong beses na maghaharap sina Duterte at Putin kung saan una silang nagkita sa APEC Summit sa Peru at pangalawa sa Beijing, China.

Samantala, pinalaya ng Russia government ang labing apat na Pinoy na nahuli dahil sa illegal recruitment habang may tatlo pang ininimbestigahan.

Sinabi naman ni Natividad na kung gugustuhin ng mga ito ay maari silang sumabay sa Pangulo sa pag-uwi sa bansa.
DZXL558

Facebook Comments