MANILA – Binigyan diin ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na niya kailangan pang ipaliwanag sa publiko ang dahilan kung bakit niya pinigil ang pagsibak sa dating hepe ng CIDG region 8 na si Superintendent Marvin Marcos.Kasunod na rin ito ng pagbusisi sa hearing sa senado kahapon kung saan natanong kung ano ang dahilan ng pangulo sa kanyang kautusan kay PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa.Ayon kay Pangulong Duterte – bilang chief executive at may direktang kapangyarihan sa pnp ay hindi na niya kailangangang ipaliwanag kay Dela Rosa ang kanyang dahilan o rason ng kanyang iniutos dito.Hindi din aniya nito kailangang isapubliko ang dahilan at wala din pakialam dito ang kongreso at ang korte suprema.Binigyang diin ng pangulo na naniniwala siya sa kwento ng CIDG 8 na nanlaban si Mayor Rolando Espinosa at naniniwala din siya sa kwento ng PNP dahil sila ay nasa ilalim ng executive branch.
Pangulong Rodrigo Duterte, Nanindigang Hindi Niya Kailangang Magpaliwanag Kung Bakit Niya Pinabalik Sa Pwesto Si Cidg 8
Facebook Comments