Sa kaniyang talumpati sa isinagawang national assembly at election of new set of officers ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban ngayong araw sa Clarkfield, Pampanga ay binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Koko Pimentel dahil aniya sa pag-appoint nito kay Sen. Manny Pacquiao para maging acting president ng PDP-Laban na nagdulot aniya ng sigalot sa mga miyembro nito partikular kay Department of Energy (DOE) Sec. Alfonso Cusi na siya nang nahalal ngayong bagong pangulo ng partido.
Tiniyak din ni Pangulong Duterte na nananatili aniyang malakas ang ruling party sa bansa na aniya ay naging malakas lamang noong nanalo siya bilang pangulo ng bansa.
Minaliit din ng pangulo ang mag-amang Pimentel na aniya ay hindi naman daw kilala kahit sa Cagayan De Oro.
Pinapurihan naman ng pangulo si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar at ipinagmalaki nito ang roads at highways na natapos ng kagawaran sa ilalim ng kaniyang administrasyon at gayundin ay pinuri din ni Duterte si Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade sa naging role nito sa infrastructure development.
Samantala, ibinaling naman ni President Duterte sa aniya ay pananakot sa kaniya ng kaniyang mga kritiko kagaya nila dating Senador Sonny Trillanes at Justice Carpio ang sisi sa kaniyang desisyon na tumakbo bilang bise-presidente sa 2022 national elections dahil kapag naupo aniya siya bilang pangalawang pangulo ay tiyak ang kaniyang immunity sa mga kasong isasampa laban sa kaniya.