PANGUNAHING LAYUNIN NG IMPLEMENTASYON NG K-12 HINDI TALAGA NAGTAGUMPAY AYON SA GRUPO NG MGA GURO

Kung susukatin ay hindi naman talaga nagtagumpay ang pangunahing layunin ng implementasyon ng K-12 program sa Pilipinas ayon sa mga grupo ng mga guro.
Ito mismo ang Sinabi ni Teachers Dignity Coalition Chairman Benjo Basas sa Naging panayam ng IFM Dagupan.
Ayon Kay Basas, meron o walang issue sa usapin ng pag-alis ng CHED ng Senior High School sa mga State University and Colleges (SUC)at Local University and Colleges (LUC) ay hindi talaga nasunod ang pangunahing mga layunin ng K-12.

Kasama na dito ang pagkakataong magkatrabaho at handa na sa employment ang mga graduate ng K-12 kahit na hindi na tumuntong ng kolehiyo.
Nauna na din naglabas aniya noon ng concerns ang TDC kaugnay dito dahil nais Lamang aniya bilang maging maayos ang implementasyon ng K-12 program sa Pilipinas. | ifmnews
Facebook Comments