SUSPEK SA PANANAKSAK SA ISANG GINANG SA BAYAN NG MANGALDAN NA IKINAMATAY NITO ARESTADO NA

Arestado ang suspek sa pananaksak sa isang ginang sa Barangay Salay bayan ng Mangaldan matapos ang matagumpay na hot pursuit operation na ikinasa ng kapulisan ng Mangaldan Municipal Police Station sa bahagi ng Brgy. Guesang.
Ang nasabing suspek ay isang lalaki na nasa wastong gulang, walang trabaho at residente rin ng Mangaldan.
Isinagawa ang nasabing operasyon matapos nitong saksakin sa tagiliran ang isang ginang na kinilalang si Lina Biala Abrio, 50 taong gulang, tindera at residente ng Brgy. Bantayan, Mangaldan. Nag-ugat ang nasabing pananaksak dahil sa isang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng suspek at ng biktima.

Itinakbo pa ang biktima sa R1MC sa Dagupan City ngunit sa kasamaang palad ay namatay ito habang ginagamot ng mga doktor.
Ang naarestong suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Mangaldan MPS para sa dokyumentasyon, tamang disposisyon at pagpipila ng kanyang haharaping kaso. | ifmnews
Facebook Comments