Pangunguna sa survey ng Duterte-Duterte tandem, minaliit ng 1Sambayan

Balewala kay dating Justice Antonio Carpio ang maagang pangunguna sa survey mag-amang Duterte para sa 2022 elections.

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni Carpio na kung babalikan ang mga dating resulta ng maagang survey sa eleksyon, walang nanalo sa mga nanguna sa survey.

Ang tunay aniyang resulta ng survey ay ang lumalabas sa Marso, ilang buwan bago ang eleksyon.


Sinabi naman ni Atty. Howard Calleja ng 1Sambayan na stagnant o hindi naman na lumalaki ang resulta ng survey pabor kay Davao Mayor Sara Duterte.

Bukod dito, kahit mataas ang survey ng Pangulong Duterte ay nasa 18 percent lamang ang nagsasabing iboboto nila ito para sa pagka-bise presidente na mas mababa pa sa rating ng kaniyang anak.

Facebook Comments