Panibagong 62 kaso ng COVID -19 naitala sa hanay ng PNP

Nadagdagan ng 62 ang bilang ng pulis na naging infected ng Coronavirus disease 2019 kaya umabot na sa kabuoang 6,830 ang kaso sa Philippine National Police (PNP).

Batay  sa ulat ng PNP Health Service, sa 62 new cases, pinakamarami sa PNP Region 2 na umaabot sa 24, 10 sa National Administration Support Unit (NASU), anim sa PNP Region 4A, lima sa PNP Region 8, tig-apat sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at PNP Region 13, tatlo sa PNP Region 9, dalawa sa PNP Region 6 at tig-iisa sa PNP Region 1, Region 7 at Region 11.

Sa bilang ng mga positibo sa COVID-19, 647 lamang ang active cases.


Good news naman dahil may 32 new recoveries na naitala ang PNP health service sa hanay ng PNP kahapon kaya umabot na sa kabuuang bilang na 6,162 ang recoveries sa PNP.

Nanatili naman sa 21 ang PNP Personnel na namatay matapos maging infected ng COVID-19.

Facebook Comments