Tinatayang aabot sa panibagong record-high na 20.4 million metric tons ang produksyon ng palay sa Pilipinas ngayong taon.
Mas mataas ito kumpara sa 19.3 million metric tons na naitala noong 2019.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang stable na suplay ng bigas sa ilalim ng Rice Tariffication Law ay nakatulong para maawat ang food inflation sa nakalipas na mga buwan sa gitna ng kakulangan sa suplay ng karne.
Base sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), as of April 15, nasa ₱38 hanggang ₱50 ang presyo ng kada kilo ng local rise; ₱44 to P52 ang kada kilo ng imported rice; habang nasa ₱12.70 to ₱19 ang kada kilo ng NFA rice.
Facebook Comments