39 na distressed/displaced OFWs sa ARMM ang nakatanggap ng financial assistance sa ilalim ng Balik-Pinas, Balik-Hanapbuhay (BPBH) Program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ang naturang ayuda ay magsisilbing panimula o dagdag kapital para sa napiling negosyo o proyektong pangkabuhayan ng naturang OFWs.
As of October 6, 2017, abot na sa 218 OFWs mula sa ARMM ang nakatanggap na ng BPBH livelihood assistance.
Ang BPBH program ay bungkos ng livelihood assistance na kinabibilangan ng cash assistance, Entrepreneurship Development Training at iba pang services na naglalayong mabigyan ng agarang kaluwagan sa mga umuuwing distressed o displaced member-OFWs.
Facebook Comments