Taunang Christmas lighting ng RMN networks, isasagawa ngayong araw, maswerteng mananalo sa libreng lipad, makakarating ang pasko ng RMN at Air Asia, bubunutin na rin mamaya!

41

Ilulunsad na ngayong araw ang taunang Christmas tree lighting activity ng Radio Mindanao Networks (RMN).

May tema ito na “ningning ng pasko” kung saan sabay-sabay na paiilawan ng lahat ng RMN at iFM stations sa buong bansa ang kani-kanilang mga Christmas tree.

Gaganapin ito mamayang alas-6:00 ng gabi.


Bukod dito, marami ring palaro at pa-premyo ang ating ipamimigay katuwang ang Smart dishwashing paste, Unique toothpaste, Pride detergent powder, Charm Fabcon at White Rose papaya.

Mamaya rin iaanunsyo ang tatlong lucky winners sa ating “libreng lipad” promo na handog ng Air Asia Philippines!

Kaya naman inaanyayahan namin kayong panuorin ang aming “Ningning sa Pasko”: The RMN Christmas tree lighting activity sa aming Facebook page RMN DZXL 558 Manila at sa Youtube, DZXL 558.



Facebook Comments